1. naniniwala ako na ang numerong 11 at 13 ay masuwerte.
2. mahilig akong mag muni-muni lalo na at pag nakasakay sa jeep sabayan pa ng makapigil-hiningang trapik sa mahabang lansangang ang dulo ay ang aming tahanan.
3. high ako sa musika. lalo na iyong di pangkaraniwan.
4. hindi ako marunong kumanta pero minsan pakiramdam ko ka-boses ko si sitti.
5. pag may nagustuhan akong kanta, di ko titigilan ito hangga't di ko pagsawaan. pagkatapos nito, isang taon muli ang hihintayin bago ko ito patutog-tugin sa aking random playlist.
6. sa ngayon binabalangkas ko at pinag-aaksayahan ng oras ang pag tingin sa mga foodie sites gaya ng desserts come first. ewan ba ang subconscious ko ata ay gustong maging chef ako.
7. nagyo-yoga ulet ako. medyo may variation ng konti ngayon, yogilates na. baka sa next post ko ibabalita ko na marunong na akong mag handstand. noong huli akong mag-yoga, merong isang "big surprise" na nangyari sa akin na hinding-hindi ko ibabaon sa limot.
8. interesado ako sa meditation. third year high-school ata ako ng nasambit ko na ang tungkol dito, pero hindi ako "mindful" noon. ang tawag ko pa nga noon dito ay "self-reflection". ewan ba, ermitanya ata ako sa aking nakaraan. gusto ko lang sigurong makilala ng lubos ang sarili ko.
9. ang blog na ito ay tina-type ko sa saliw ng "crush" ng dave matthews band. iyon ang aking # 5 sa ngayon.
10. masyadong magaling ang aking anak. kung baga, she knows how to ask the right questions. tinanong nya ako kahapon kung kailan daw ginanap ang kauna-unahang eleksyon sa pilipinas. na-tameme ang mommy, next question please. sayang at walang google sa bahay noong mga oras na iyon =).
11. kakatapos ko lang basahin ang tungkol sa buddhism na akda ni thich nhat hanh. natuwa ako sapagkat nabili ko ang libro sa murang halaga. napakayaman ng mga kinatha at sinulat niya tungkol sa kristyanismo at budhismo ngunit gusto ko pa ring kumain ng pizza melt sa jollibee.
12. 28 years old ako ng matuto ako kung paano huminga. yogi ang nagturo sa akin.
13. di ko tinigilan ang internet hangga't di ko nakita at na download ang short story na likha ni alice munro ang "the bear came over the mountain."
14. nakalimutan ko na ang kaibahan ng gamit ng "ng" at "nang".
15. noong bata ako, pag maysakit ako -- ang tatay ko ang nasa tabi ko tangay-tangay ang 8 .0z na royal. peyborit ko ito maski ngayon.
16. nami-miss ko ang tandang sora.
17. nami-miss ko ang philcoa, ang UP diliman, ang sanggumay dorm, ang los banos, ang visayas avenue...
18. matakaw ako. matakaw sa tulog.
19. gusto ko ng magsulat sa blackboard at makipag-talastasan sa apat na sulok ng classroom...
malapit na...