3 buwan
magta-talong buwan na pala ako dito bukas. ang bilis talaga ng panahon. dati rati pinapangarap ko pa lang na makarating dito. kaya ko nga sinumulan ang pagba-blog noong nakaraang taon dahil ito ang naging outlet ko sa lahat ng mga hirap at pagsubok na dinanas ko maisakatuparan lamang ang pangarap kong mabigyan ng magandang kinabukasan ang aking pamilya.
naalala ko pa ang mga panahong kailangan kong gumising ng madaling araw upang matawagan lang ang mga ahensya at eskwelahan na maaaring makapagbigay ng trabaho sa akin. minsan pa nga sa opisina ako natutulog para maisaayos ang lahat.
iba talaga ang pakiramdam pag ang isang bagay na minimithi mo ay pinaghihirapan mo at nakamtan mo.
ngunit sa isang banda, marami akong sakripisyong kailangang gawin. marami din akong mga realizations. halimbawa na lamang ng pag-sakay ng dyip. di ko akalaing mami-miss ko ang pagbigkas ng "para" o kaya "lugar lang 'nong". hina-hanap hanap ko ang therapeutic effect ng pagsakay ng dyip kahit pa ba nakakalanghap ako ng maitim na usok. nami-miss ko din ang paki kipag patintero sa mga dambuhalang bus, dyip, at kotse habang tumatawid ng kalsada. ang pag-uwi bandang hapon, habang binabaybay ko ang daan patungo sa aming tahanan...ang dahan-dahang pag-bukas ng aming gate at pintuan...at tatambad sa aking paningin ang mga bata na nanonood ng TV o kaya ay gumagawa ng kanilang assignment...at isa isang tatakbo patungo sa akin..dala ang pasalubong na yakap at halik...at ang davao sa kabuuan nito, sadyang walang hihigit sa tahanang kinagisnan mo kahit pa man salat ito sa materyal na karangyaan.
hina-hanap hanap ko ang gayak at saya ng aking kinagisnan...
nakaka-miss... sobra...

1 comments :
that is a touching piece.
glad to know you're ok and coping. i pray that you be strong and keep it together over there. :D
"mabilis man ito kung lumipas, di kasing bilis ang pagdating ng panahon kung hintayin. ngunit hindi mawawala sa mundo ang aasa at mananalangin. na may maghihintay sa iyong pagbabalik."
Post a Comment